HOME | E-mail Directory | Site Map| 
Cordians Forum
IMPORTANT NOTICE: This forum use USERS ACTIVATION process during registration, thus you should use a VALID email address. After submitting your profile PLEASE check your e-mail address for FINAL AUTHENTICATION. You can check IT in INBOX or SPAM folders. This FORUM is SPAM-FREE...SALAMAT PO!
 FAQFAQ   SearchSearch   MemberlistMemberlist   UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 
Kuwentong Barbero

 
Post new topic   Reply to topic    Sacred Heart College Forum Index -> X-topic
View previous topic :: View next topic  
Author Message
wackylodeon
Moderator
Moderator


Joined: 06 Feb 2007
Posts: 44
Location: Somewhere Outhere

PostPosted: Fri Mar 09, 2007 3:58 am    Post subject: Kuwentong Barbero Reply with quote

ANG KUWENTO SA LIKOD NG KAMAY NI STO. NIŅO



Dito sa Pilipinas o kahit dito sa Lucena na lang, kung gusto mong makasagap ng preskong chizmax. Mapa-showbiz, politics, o religion man... punta ka lang sa Barbershop. Pingboks to be specific. May gupit na, may chizmax pa. San ka pa?

Ang mga barbero kase ang nangunguna pagdating sa pagbibigay ng opinyon tungkol sa mga bagay-bagay na nangyayari sa paligid natin. Para silang mga newscaster kung magpalitan ng mga kuro-kuro. Ikaw naman ganado lang sa pakikinig habang nakapikit, mamamalayan mo na lang... wala ka na palang tenga. Nagupit na! He-he!

Nagpagupit ako sa Pingboks nung Feb 4, mala-gubat na kasi ang buhok ko sa kapal nito. Hindi na presentable tingnan. Hindi na pantay-pantay. Kelangan nang i-trim. He-he! Kapag nagpapagupit ako sa Pingboks, ang madalas kong naaabutang walang kustomer ay si intsik, minsan naman si taba-ding, (ed's note: hindi ko alam ang mga pangalan) pero madalas eh si intsik ang naaabutan ko. Sobrang alam na nya ang hairstyle ko. Pag nagkikita kami, senyasan na lang ayos na! Nagkakaintindihan na kami. Semi-roundtop ang hairstyle ko, pero hindi dito iikot ang usapan... kundi sa topic nila during that gupitan session - ANG KUWENTO SA LIKOD NG KAMAY NI STO. NIŅO!

Noong dekada nobenta, usap-usapan na ang tungkol sa katapusan ng mundo. Nariyan ang tinatawag nilang Y2K craziness, Millennium madness, Armageddon obsession, Doomsday hysteria, Last Days prophecies, at kung anu-ano pang topic na may kinalaman sa pananakot sa sarili. He-he!

Pagsapit ng year 2000, lahat daw ng computer programs ay hindi magpa-function, mostly ay sa mga establishments at magre-resulta daw ito ng unknown degree of disruption sa lahat ng sektor ng ekonomiya. Magkakaroon din daw ng problema sa pagre-record ng dates, halimbawa, ang 01/02/03 ay hindi nangangahulugan na ito ay January 02, 2003 na, dahil puwede rin itong maging 01 February, 2003 at 2001-Feb-03. Ang mga scientist naman ay nag-base naman sa kanilang mga findings about sa origin ng universe, big bang theory to be specific. Ayon sa kanila, lalamunin daw ang earth ng isang malaking itim na ulap na kung saan ay may dala-dalang supernatural powers na magpapasabog sa earth. Ang mga relihiyoso naman ay nag-base sa bibliya... muli daw magbabalik si Hesukristo upang gunawin ang mundo at litisin ang mga makasalanang tao, pero bago daw muna yun, eh mauuna munang dumating ang tinatawag nilang anti-christ na may logo sa ulo at sa kamay na 666. Marami ang nag-panic nung mga panahon na yun. May mga ilang tao sa ibang bansa ang tumira na sa mga yungib o kuweba dahil ang sabi ng iba, uulan daw ng apoy mula sa langit. Ang iba naman, ibinigay ang mga kayamanan nila sa lider ng kanilang sekta upang mabawasan daw ang bigat ng kanilang kasalanan. Ang mga mag-syota naman ay maagang nagpakasal para makahabol sa last trip. He-he! Chika lang yun! Maniwala, syunga!

At lahat ng yan ay dahil lang daw sa ang Y2k o year 2000 ay may tatlong zero kaya kinatakutan na. Hindi ko alam kung saan nila nakuha yun. Sinubukan kong hanapin sa google pero wala akong makitang paliwanag. Pero ayon sa mga barbero ng Pingboks, isa lang ang dahilan kung bakit kinatakutan ang year 2000.


Barbero 1: Totoo raw talaga...

Barbero 2: Na ano?

Barbero 1: ...na dalawang libong taon lang ang ibinigay na taning ni Hesus sa ating mga tao.

Barbero 2: Hindi totoo yan! Wala sa bibliya yan! Saan mo naman nabasa yan?

Barbero 1: Kung hindi totoo, bakit nang mabuhay na mag-uli si Hesus, eh dalawang daliri ang nakataas?

Barbero 2: Eh ano naman kung dalawang daliri ang nakataas?

Barbero 1: Mahina ka pala eh! Ibig sabihin nun, dalawang libong taon lang talaga ang taning na ibinigay sa atin ni Hesus mula ng ipako sya at mamatay sa krus.

Barbero 3: Narinig ko na rin yan sa lola ko. Totoo nga daw yan.

Barbero 2: Kung totoo nga yan, bakit hindi pa rin nagugunaw ang mundo samantalang 2007 na ngayon?

Barbero 1: May Sto. Niņo ka ba sa bahay nyo?

Barbero 2: Oo, bakit?

Barbero 1: Kung titingnan mo ang Mahal na Sto. Niņo na imahe ng batang si Hesus, nakataas din ang dalawang daliri nito at sa kanang kamay nito ay may nakapatong na globo.

Barbero 2: O, ngayon?

Barbero 1: Tapos kung mapapansin mo, nakangiti ito.

Barbero 2: O, eh ano naman kung nakangiti?

Barbero 1: Ibig sabihin nun, joke lang ang lahat. Kase nga, kahit sya hindi rin nya alam kung kelan ang katapusan ng mundo. Ha-ha!


Sa mga makakabasa ng walang kuwentang article na 'to, huwag nyong kakalimutang KUWENTONG BARBERO lang ito. Peace! He-he! Laughing
_________________

been. Rolling Eyes
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website
wormhole
Guest





PostPosted: Fri Apr 27, 2007 12:50 am    Post subject: Reply with quote

Wow whats a nice story.... your the best wackylydeon
Back to top
Behdrex
newbie
newbie


Joined: 25 Mar 2007
Posts: 19
Location: Makati, Philippines

PostPosted: Tue May 08, 2007 1:05 pm    Post subject: What a nice story!! Reply with quote

Smile galing talaga pare, the best!!! keep up the good work and continue believe and have faith. Good Luck pare!!
_________________
"Enjoy the little things in life, for one day you may look back and realize they were the big things."
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website Yahoo Messenger
recca
newbie
newbie


Joined: 04 Jul 2007
Posts: 10

PostPosted: Wed Jul 04, 2007 8:43 am    Post subject: nakakatuwa !!! Reply with quote

hehehehehe sana meron pang iba para mas madami mas masaya diba?!!! Very Happy
Back to top
View user's profile Send private message
linkmoko
newbie
newbie


Joined: 06 Feb 2010
Posts: 51
Location: Makati, Philippines

PostPosted: Fri Mar 26, 2010 2:30 pm    Post subject: Kuwentong Barbero Reply with quote

Nag enjoy ako sa binasa ko, hehehe..
_________________
Pacquiao vs Margarito | Linkmoko
Back to top
View user's profile Send private message
ookamiHIME
newbie
newbie


Joined: 06 Jul 2010
Posts: 76

PostPosted: Fri Jul 30, 2010 5:28 am    Post subject: Reply with quote

Hrm... Shocked

I thought that would mean 2 more years... Laughing

Anyway, had a good laugh...
_________________
The Road of Hardship Leads to the Stars
auto repair san francisco smog check san francisco
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic    Sacred Heart College Forum Index -> X-topic All times are GMT
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group
subRed style by ktauber
WHERE LOVE IS SERVICE