Google    shc.edu.ph  







Buwan ng Wika, matagumpay na ipinagdiwang

Article/News by: By Ianna Blasé (The Heart Publication)



Buong kagalakang ipinagdiwang ng mag-aaral mula sa Departamento ng Mataas na Edukasyon (HED) ang Buwan ng Wika, noong ika – 5 ng Setyembre, sa Bulwagang Hermana Fausta ng Sacred Heart College kung saan itinampok ang pagtatagisan hindi lang ng kisig at ganda ng mga estudyante, kundi pati na rin ng talino.

Sa pamumuno ng organisasyon ng Tanglaw ng Bayan na pinangunahan ng kanilang gurong tagapayo na sa Mrs. Helen Tolete, ay naisagawa ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika, na nilahukan ng iba’t –ibang mag-aaral na representate ng bawat kolehiyo lalo’t higit ng mga mag-aaral na kumukuha ng asignaturang Pilipino.

Ang nasabing pagdiriwang ay binubuo ng mga sumusunod na programa: Dagliang Talumpati, Handang Talumpati, Balagtasan at Lakan at Mutya ng Wika.


DAGLIAN AT HANDANG TALUMPATI
Mula sa limang kalahok mula sa Kolehiyo ng Edukasyon at Kolehiyo ng Liberal Arts ay itinanghal na kampeon si G. Simeo B. Ricalde bilang pinakamahusay na magtatalumpati sa unang patimpalak.

Ito ay natamo ni Ricalde matapos nyang malalimang ipaliwanag ang kahalagahan ng wikang Pilipino.

Matapos ang nasabing timpalak ay kasunod na idinaos ang labanan ng galling sa pagbigas ng handing talumpati kung saan nannguna ang mag-aaral mula saa Kolehiyo ng Edukasyon na si Bb. Mariella Belludo na itinanghal naman bilang kampeon sa pinakamahusay na mananalumpati sa handing talumpati.

Sa ipinakitang galing at kakayahan sa pagbibigay ng nararapat na emosyon sa pagtatalumpati ay nangibabaw ang galing ni Bb. Belludo sa naturang paligsahan.

BALAGTASAN
Nang hapon ding yaon ay idinaos ang ikalawang bahagi ng isang buong araw na program- Ang Balagtasan. Dito ay itinampok ng mga mag-aaral mula sa ib’t-ibang kolehiyo ng Departamento ng mataas na Edukasyon ang kanilang galing sa pagtula at pakikipagbalagtasan gamit ang kani-kanilang piyesa.

Ang bawat klase na may asignaturang Filipino 103 na may dekripsyong Masining na Pagpapahayag ay may kanya-kanya kinatawan para sa paligsahan na Balagtasan. Ang naguwi ng titulong pinakamagaling sa nasabing Balagtasan ay ang ika – limang grupo na kinabibilangan ng mga mag-aaral sa Ikalawang Taon mula sa Kolehiyo ng Edukasyon (Pang-sekundarya).


LAKAN AT MUTYA NG WIKA 2014
Samantala, buong karangalang iniuwi nila si Bb. Doreen Nervaez na nagmula sa BEEd – I at ay si G. Kyle Reyes ang titulo ng Lakan at Mutya 2014 sa pinakahuling aktibing ginanap sa araw na iyon.

Sa panig ng mga Lakan, ang nagkamit ng ikatatlong puwesto ay si G. Kelly Natsume mula sa Kolehiyo ng Nursing at Pharmacy, sa ikalawang puwesto naman ay si G. Gerald Hervera kolehiyo ng Edukasyon.

Sa panig naman ng mga Mutya, ang nagkamit ng ikatatlong puwesto ay si Bb. Ann Coleen Catarroja mula sa Kolehiyo ng Nursing at Pharmacy, sa ikalawang puwesto naman ay si Bb. Allyza Pizarroanne Coleen ng Kolehiyo ng Psychology. Bb. Alyssa Arcangeles at G. Alec Guinto ang namuno sa pagsisimula ng patimpalak.


PAUPONG PALIGSAHAN
Gayundin naman ay iginawad din sa mga piling mag-aaral na nagwagi sa mga paupong paligsahan na naunang ginanap noong buwan ng Agosto.

Para sa pagsulat ng sanaysay ay nasungkit ni Bb. Rupinder Kaur Barar ang unang puwesto mula sa Kolehiyo ng Business Administration. Samantalang si Bb. Jee Ann Talavera naman ng Kolehiyo ng Edukasyon ang sa pagsulat ng tula. Sunod dito si Bb. Ma. Heidi Brocales na nagwagi sa kategoryang paggawa ng poster. At ang panghuli sa kategoryang paggawa ng islogan ay si Bb. Michaela Fernandez.
SACRED HEART COLLEGE
1 Merchan Street, Lucena City, PHILIPPINES
Tel. #: (042)710-2505, 7103888, Fax #: (042)373-424
E-mail Address: shc@shc.edu.ph
© All Rights Reserved