Google    shc.edu.ph  
Talakay: Seminar sa Pagsasalin, isinagawa

Article/News by: Gng. Helen Tolete
Date Posted: March 8, 2016


Nagtipon ang mga mag-aaral sa Paaralang Gradwado Erya ng Filipino at ilang kasapi ng Tanglaw ng Bayan na kumukuha ng asignaturang pagsasalin sa isinagawang Talakay: Seminar sa Pagsasalin na ginanap sa Pamantasang Normal ng Pilipinas ika-27 ng Pebrero.
Pinangunahan ng Samahan ng mga Mag-aaral Gradwado sa Pagtuturo ng Filipino (SMGPF) nang nasabing pamantasan ang seminar kung saan naimbitahang magsalita ang dalawa sa mga dalubhasa at tinitingala sa larangan ng pagsasaling wika na sina Dr. Aurora E. Batnag at Dr. Raquel E. Sison-Buban.

Layunin ng seminar na ito na maitaas pa ang antas ng pagsasalin sa ating bansa at bigyang pansin ang pagpapahalaga sa pangangailangan sa pagsasalin hindi lamang sa aspeto ng edukasyon kundi pati sa ilang mga sangay ng pamahalaan. Nagbigay ng pambungad na pananalita si G. Orlando Pineda, Pangulo ng SMGPF kaugnay sa isyu ng salin sa kasalukuyan. Binanggit niya ang kahalagahan ng pagsasalin sapagkat alam niya kung ano ang naidudulot nito at kung paano ito nakatutulong sa mga tao sa ating pamayanan.

Tinalakay ng unang tagapagsalita na si Dr. Aurora E. Batnag, Pangulo ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino ang tungkol sa Pagsasaling Pampanitikan. Nagbigay siya ng ilang mga halimbawa at pabatid kung paano nga ba magiging mabisa at mahusay ang isang saling pampanitikan na kalimitang ginagamit ngayon sa mga paaralan upang mas maunawaan ng mga mag-aaral.

Karagdagan pa, inilahad niya ang ilang mga karanasan sa pagsasalin at kung paano ito naging sangdigan upang maging mahusay siya sa larangang ito.

Ibinahagi naman ni Dr. Raquel E. Sison-Buban, Pangulo ng Pambansang Asosasyon ng mga Tagapagtaguyod ng Salin (PATAS) ang mga kaalaman sa usaping Teknikal na Pagsasalin. Binigyang diin niya na huwag matakot dito ang mga bago pa lamang sa larangan ng pagsasalin sapagkat hindi ito ganoon kahirap tulad ng iniisip ng marami.

Hindi tulad ng pagsasaling pampanitikan ayon sa kanya, mas maraming naitutulong ang ganitong uri ng pagsasalin. Ginagamit ang pagsasalin sa mga dokumento na kinakailangan sa iba’t ibang propesyon.Sa pagtatapos ng kanyang pagtalakay, hinikayat niya ang bawat isa na sumapi sa kanilang asosasyon upang mas lalo pang mapaigting pagtataguyod sa larangan ng salin lalong lalo na sa Filipino upang mas lalo pang mapagyaman ang ating wika.

Natapos ang seminar sa pangwakas na pananalita ni Gng. Myrna Rabina, Ingat-yaman, SMGPF sa ganap na ikalima ng hapon gayundin sa pagpapasalamat ng guro ng palatuntunan na Gng. Helen E. Tolete, tagapag-ugnay sa Paaralang Gradwado Erya ng Filipino, Moderaytor ng TNB at mag-aaral sa PhD Filipino sa pamantasan para sa lahat ng mga dumalo at naimbitahang mga mag-aaral.



More News from SHC...

More News
Article/News by: Babe Aubrey B. Gabule, MICB and Jesselynne P. Lacerna
Date Posted: October 13, 2017
 
Article/News by: Babe Aubrey B. Gabule, MICB
Date Posted: October 11, 2017
 
Article/News by: Rea Landoy
Date Posted: October 10, 2017
 
Article/News by: Jezza Manuelle Zoleta, Sheena Mae Hicayo, Ma. Luz Florence Uy, Baljinder Dhillon and Alvin Borromeo Jr.
Date Posted: October 10, 2017
 
Article/News by: Denzel Avery G. Villaflores, Rosecarlisle Gildore Imperial, Rea Landoy, Frensy Ritz Barretto,Ericka H.Pascual, Sheena Mae Hicayo, Angie Agayon, Donna Tan,Prudenz Yleizer Lorredo andCedrick Sy
Date Posted: October 09, 2017
 
Article/News by: Cedrick P. Sy
Date Posted: October 4, 2017
 
Article/News by: Lemuel Harvey C. Reynoso
Date Posted: October 2, 2017
 
Article/News by: Jane Clarice Sardona, ABComm 3
Date Posted: September 23, 2017
 
Article/News by: Marian E. De Ramos (ABComm IV)
Date Posted: September 20, 2017
 
Article/News by: Avigail C. Daco
Date Posted: September 18, 2017
 
Article/News by: Diosa Rhose D. Madrid
Date Posted: September 15, 2017
 
Article/News by: Babe Aubrey B. Gabule, MICB
Date Posted: August 30, 2017
 
Article/News by: Liza May C. Anilao (CAS/ArtSoc)
Date Posted: August 24, 2017
 
Article/News by: Ckiana Oprah G. Calaycay
Date Posted: August 09, 2017
 
Article/News by: Eduard D. Mancilla
Date Posted: August 03, 2017
 
Article/News by: Babe Aubrey B. Gabule, MICB
Date Posted: August 02, 2017
 
Article/News by: Rolando B. Abrigo III and Meredith Minano Dango, RSW ( Program Implementor for SCA)
Date Posted: August 02, 2017
 
Article/News by: Clarisse Anne Sebuja and Eduard Mancilla
Date Posted: July 26, 2017
 
Article/News by: Cedrick Sy
Date Posted: July 24, 2017
 
Article/News by: Jezza Manuelle B. Zoleta & Alvin G. Borromeo Jr.
Date Posted: July 17, 2017
 
Article/News by: Babe Aubrey B. Gabule
Date Posted: July 13, 2017
 
Article/News by: Nicole Mangahas
Date Posted:June 8, 2017
 
Article/News by: Blodymer Dalde, JFINEX President
Date Posted:June 6, 2017
 
Article/News by: Frensy Ritz R. Barretto and Blodymer Dalde
Date Posted: April 11, 2017
 
Article/News by: Rossela Charisma G, Remo & Dr. Maria Zorayda A. Torres
Date Posted: March 18, 2017
 
Article/News by: Babe Aubrey B. Gabule
Photo by: Kerby M. Abad and Lawrence Y. Piguerra
Date Posted: March 17, 2017
 
Article/News by: Jezza Manuelle B. Zoleta and Joanne R. Obciana
Photo By: Jezza Manuelle B. Zoleta and Joanne R. Obciana
Date Posted: March 17, 2017
 
Article/News by: Sr. Nenita Divina F. Pateña, DC
Date Posted: March 14, 2017
 
Article/News by: Aracel D. Quevada
Date Posted: March 8, 2017
 
Article/News by: Joana Marie Ligaya, ABComm 2
Date Posted: February 21, 2017
 
Article/News by: Yvonne Hitty Mier
Date Posted: February 13, 2017
 
Article/News by: Carren Marie R. Nacorda
Date Posted: February 10, 2017
 
Article/News by: Arraleen V. Abellanosa
Date Posted: February 9, 2017
 
Article/News by: Rochelle M. Delos Santos, Haidee E. Gargantos, Diosa Rhose Madrid (Photos by: Haidee Gargantos)
Date Posted: February 8, 2017
 
Article/News by: Donnabelle T. Peñalosa
Date Posted: January 24, 2017
 
Article/News by: Agatha Brenica Ilagan
Date Posted: January 16, 2017
 
Article/News by: Liza May Anilao
Date Posted: January 10, 2017
 
Article/News by: Aimee De Torres
Date Posted: December 15, 2016
 


SACRED HEART COLLEGE
1 Merchan Street, Lucena City, PHILIPPINES
Tel. #: (042)710-2505, 7103888, Fax #: (042)373-424
E-mail Address: shc@shc.edu.ph
© All Rights Reserved