Google    shc.edu.ph  
Pamilyang Kordeano: Nagkaisa sa Panalangin ng Rosaryo

Article/News by: Reynalyn P. Nicolas (The HEART PUBLICATION)
Date Posted: October 15, 2008


Taon-taon na nating nakasanayan ang ganitong pangyayari. Muli, ang buong pamilya ng Sacred Heart College ay sama-samang nanalangin at nagbigay karangalan sa Kapistahan ng Kabanal-banalang Santo Rosaryo.

Ika-7 ng Oktubre, ika-apat ng hapon, gaya ng inaasahan, muli na namang nagkaisa ang pamilya ng Sacred Heart College para sa ginanap na Living Rosary sa harapan ng puting entablado ng kolehiyo sa pamumuno ng Center for Christian and Vincentian Formation(CCVF) na pinangunahan ni Sr. Rosa Lynn Doromal, D.C., gayundin ng mga guro nito na sina G. Rey Rodil at Gng. Sylvia Ingente at Sr. Victoria Palencia, D.C. ang Tagapangulo ng Alumni Affairs. Katuwang din sa nasabing gawain ang mga kasapi ng Children of Mary na pinamumunuan ni Bb. Veronica Saliendra.

Hindi naging hadlang ang makulimlim na kalangitan para sa pagsasagawa ng sama-samang pagdarasal sa mga kapatid natin sa Mindanao, sa mga kabataang naliligaw ng landas at mga kapatid nating humaharap sa matinding hamon ng buhay at kagipitan.

Sa pagsisimula ng awiting “Awit ng Santo Rosaryo,” na pinangunahan ni G. Lamberto Galleno at ng Basic Education Department (BED) Choir, sama-samang nagtipon-tipon at nagkaisa para sa iisang intension ang mga guro at mga mag-aaral ng Higher Education and Basic Education Departments.

Pinangunahan nina G. Ronaldo Parreno at Bb. Emma Lyn Yap , mga guro ng Religious Education, ang mga panalangin. Habang dinarasal ang Sumasampalataya, pinangunahan ni Gng. Arlyn Puno (kinatawan ng tanggapan ng Pangulo ng paaralan na si Sr. Fe G. Gedalanga, D.C.) ang paglalagay ng kandila na sumasagisag sa kaliwanagan ng buhay at pagkakapantay-pantay. Sinundan ito ni Dr. Josefina M. Parentela, Pangalawang Pangulo ng Academic, Research, Vincentian and Christian Formation, gayundin ni Gng. Annabelle C. Magpantay (kinatawan ng Pangalawang Pangulo ng Student Services & External Affairs). Naging bahagi din si Gng. Wenifreda R. Frondoza, Prinsipal ng BED; si Gng. Luzviminda Calzado, Asistant Prinsipal para sa Lower BED; Bb. Maria Lucila M. Baroro, Direktor ng Student Services; at ng ilang College Deans na sina Gng. Elsie V. Advincula ng College of Accountancy at Bb. Adelaida U. Zaide ng College of Arts and Sciences. Sa pamamagitan ng pag-aalay na ito nabuo ang hugis krus na sumasagisag kay Hesus.

Pinangunahan naman ng mga administrador ng paaralan ang pag-aalay ng kandila sa bawat misteryo ng Hapis na pinagnilayan at sumagisag sa pagbibigay liwanag sa mga kabataang naliligaw ng landas. At sa bawat butil ng pagdarasal ng Aba Ginoong Maria, nag-alay ng kandila ang ilang piling mag-aaral ng BED, HED at ng Alternative Learning System (ALS). Nakilahok din sa nasabing pag-aalay ang ilang kinatawan ng Alumni, ng Parents & Teachers Council (PTC) at ilang mag-aaral ng Graduate School.

Natapos ang Living Rosary na naipakita at naipadama ng buong pamilya ng Sacred Heart College ang isang nagkakaisa at matatag na institustyon.


                        
More News from SHC...

More News
Article/News by: Denzel Avery G. Villaflores, Aaron Cameron Paez, Eloisa Arambulo, Jedfrey Napeñas & Aizza Marie Briones
Date Posted: June 13, 2018
 
Article/News by: Prudenz Yleizer G. Lorredo I
Date Posted: May 29, 2018
 
Article/News by: Lanilyn B. Diala and Danaver G. Atienza
Date Posted: May 17, 2018
 
Article/News by: Kristine Mae Basilio and Dean Arnel Cadeliña
Date Posted: May 10, 2018
 
Article/News by: Denzel Avery G. Villaflores
Date Posted: May 8, 2018
 
Article/News by: Angelina T. Agayon
Date Posted: May 2, 2018
 
Article/News by: Angela Faye M. Baldovino
Date Posted: April 20, 2018
 
Article/News by: Darah Maia T. Mangabat
Date Posted: April 12, 2018
 
Article/News by: Rupinder Kaur Barar
Date Posted: April 02, 2018
 
Article/News by: Angelina T. Agayon, Denzel Avery Villaflores, Monica Paola Noscal, Rea Landoy, and Kimberly Talisic
Date Posted: March 8, 2018
 
Article/News by: Ms. Angelina Agayon
Date Posted: February 13, 2018
 
Article/News by: Ronualdo L. Revilla
Date Posted: February 10, 2018
 
Article/News by: Lucia Yllaine P. Ramirez, Grade XI-ABM 3
Date Posted: January 26, 2018
 
Article/News by: Angelina Agayon
Date Posted: January 22, 2018
 
Article/News by: Mark Rosales, Prudenz Lorredo, Zhen Herrera, Eloisa Arambulo, Kristine Mae Basilio and Angelina Agayon
Date Posted: January 20, 2018
 
Article/News by: Lemuel Harvey C. Reynoso
Date Posted: January 18, 2018
 
Article/News by: Jezza Manuelle B. Zoleta & Alvin G. Borromeo Jr.
Date Posted: January 17, 2018
 
Article/News by: Babe Aubrey B. Gabule, MICB
Date Posted: January 17, 2018
 
Article/News by: Rupinder Kaur Barar
Date Posted: January 16, 2018
 


SACRED HEART COLLEGE
1 Merchan Street, Lucena City, PHILIPPINES
Tel. #: (042)710-2505, 7103888, Fax #: (042)373-424
E-mail Address: shc@shc.edu.ph
© All Rights Reserved